Thursday, September 11, 2008

Reality, Ang Katotohanan

Ngaun naman ako nakapagcompose ng post ko, la kasi ako mapagsabihan eh, tas pagod na rin ako magsulat sa mga scratch ko...May work nga ako dito sa cebu..pero la nmn kachalenge chalenge dahil ang gusto ko meron akong boss ... and wala talaga sa puso ko ang pagnenegosyo. Kaya disappointed sa akin ang nagpaaral sa akin na isang businesswoman. Nagpapakatotoo lang tlgah ko sa sarili ko eh mahirap ang isang bagay kapag di mo naman gusto yong ginagawa mo.

Hanggang sa dumating ang point na lumalabas ako ng bahay ng walang nakakaalam na naghahanap na pala ko ng sideline. Isa na dito yung pag apply sa call center. Bago yun nagdanas din ako ng hirap. Totoo pala na sobrang hirap maghanap ng trabaho, dati balewala lang sa akin kasi di ako seryoso.

Nakapagtrabaho ako ng jolibee sa cavite pero di naman ako nakaramdam ng pagod ng nag-aaplay pa lang ako at naging okey naman, nag-enjoy naman ako sa trabaho ko. Next nun yung pag aplay ko as Student Assistant sa BC, sa school ko nang college ako. there's a lot of applicants pero ako ang naapoint, but nalaman ko na lang na ako pala talaga makukuha dun dahil tatlo pang prof ang nagrecommend sa akin. Pero di naging madali yun, akala ko sabak kaagad, yun pala kailangan pa ko magpakahirap sa interview ng president ng school namin, at ang arte arte pa. Hindi pa matanggap tanggap ung ginawa kong application. Kesyo dapat daw double set so ako naman ayun sunod lang ng sunod,. ayan n nang first duty ko, data encoder pala ko, tagagawa ng report sa Department of Science and Tactics, at harooh OMG! suplado ung boss ko sa una, akalain mo ba naman sinabihan ako na sya magdedesisyon kong kelan nya ibibigay yung gagawin ko eh ang point ko lang naman magawa na yung dapat gawin. Hay nakuh, di naging maayus yung pagwowork ko dun kaya nag paeasy easy ako, at minsan di nya namamalayan sya na pla inutuusan ko. hehe. Pero nag abuso ako nuon nang makuha ko ung ugali nya, minsan kapag ayoko pumasok di ako pumapasok at pinapahirapan ko na pagtext sya ng magtext. ayun na ako, susunduin naman ng magaling kong boyfriend na sobrang tyaga naman maghintay sa labas. hehe.

Second sem. Naisip ko ulit humanap ng karagdagang sideline..at sinuswerte nga, nalagpasan ko naman exam, interview tapos training sa dunkin Donut as counter person. Nung second sem kasi, 3 na lang subject ko 8 units, so lahat un pangumaga, iniisip ko sa hapon wala akong gagawin, kahit my work ako sa school ko, pwede naman ulit humanap ng panibagong sideline kasi di ba klase ko ng 7:30-9:00? ung 9:00-12 un ang time ko sa office para tapusin mga nakatambak na office work.

At un nga hehe.. grabeh pala jan mgwork sa dunkin all around, nakakaloka talaga magmamap ka, maghuhugas, as in all around, tapos nang malaman ko naman ng tumagal ako na hindi maganda magpasahod dun kasi and dami kinakaltas, nagpapasaway na naman ako.hehe..nagnanakaw ako ng donut, basta an dami kong gimik dun, kasi andun ako naasign sa Pacific Mall, kapag ako lang magisa nakaduty sa outlet namin pinpayagan ko pumunta bf ko kasi kunti na lng palagi time namin nun kasi sa sobrang busy ko. sa dami ng kabaliwang ginagawa ko, medyo naaliw ako pag andun ung gagong un.. tingin lang ng tingin kpag nasa cashier ako..di ako nahihiya sa kanya kahit makita nya ko na madungis na, tas sobrang taranta sa pagserve sa mga customer, bahala xa di ako tlga nagpapacute.ayun ang hon ko, tingin lang ng tingin. tapos, kapag uwian na, nagsasara ang mall ng 9:00 pm tas uuwi ako nyan mga 9:30 kasi maglilinis muna dun sa out...hintay lang ng hintay yan sa akin sa labas, c? kahit an tagal na namin nun parang lagi pa rin nanliligaw. kaya laging mahaba ang hair ko nun, di un natuturn off sa akin kahit nakita nya ko dun sa work ko n sobrang madumi damit ko tas nagtatapon pa ng basura, my hawak na basura, gulong gulo ang bohuk ko, pero ngagawa pa nyang hawakan face ko taz nag tatanong if okey lang ako,, ganun xa kasweet po. nakakalunod..

At un nga february nagresign na ako nun kasi malapit na ko mgrad madami dapat asikasuhin. bruhita talaga ako, alam nyo right after makuha ko salary ko, di na ko pumasok kinabukasan, opsss wag na wag nyo un gagayahin, kasi iba ang case ko sa dunkin eh... ung mga ahead sa akin, na nasa posisyon tlgang kinakalaban ko pag may mali akong nakikita. Paano di naman sila marunong magalaga ng mga crew nila. Kailangan namin respeto lang at tiwala. Kulang din sila sa paliwanag if sobrang dami ng binabawas sa amin...pero mali pa rin ginawa ko di ba? di ako nagpakaprofessional kasi nga di ako nanghihinayang mawala yong work, kasi nuon wala pa kong inaplayan na di ako natatanggap.. pero nakarma na nga ako.....

itutuloy....

Saturday, August 30, 2008